PRO-12 : 255 Barangay ang nasa Areas of Concern sa rehiyon

*Umaabot sa 255 na mga barangay sa buong region 12 ang masusing binabantayan ngayon ng PRO-12 dahil sa intense political rivalry sa kanilang mga lugar.*
*Ayon kay PRO-12 Director Police C/Supt.Marcelo Morales, nasa tatlong katergorya isinailalim nito ang naturang 255 barangay.*
*Kanyang ipinag utos narin sa mga City at Municipal Police Office Commander na bantayang maigi ang naturang mga barangay para maiwasan ang paggamit ng dahas ng mga kandidato.*
*Isang linggo na lang ay halalan na kayat puspusan ang kanilang pagbabantay.*

Facebook Comments