Albay, Philippines – Tataas ng 75 to 100% ang 290 pesos per day na matatanggap ng mga evacuees na sasailalim sa Cash for Work Program ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa pagaalburoto ng bulkang Mayon.
Ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco, itinaas nila ang rate ng assistance na ibibigay sa mga ito upang tugunan ang sitwasyon sa Albay, at nang makabili ang mga ito ng mga pangunahing pangangailangan.
Ayon kay Leyco, ang gagampanang tungkulin ng mga evacuees ay depende sa pangangailangan ng evacuation center na kanilang tinutuluyan, tulad ng mga tagapanatili ng kalinisan sa lugar.
Tinatayang nasa higit 10 libong mga indibidwal ang kabilang sa nasabing programa ng DSWD.
Facebook Comments