BANTAY SEGURIDAD | Mas maigiting na seguridad, ipapatupad ng MPD dahil sa sabay-sabay na selebrasyon ngayong linggo

Manila, Philippines – Mas maigting na seguridad ang ikakasa ng Manila Police District (MPD) sa lungsod dahil sa sabay-sabay na selebrasyon ngayong linggo.

Natapat din kasi sa Valentine’s Day ang Ash Wednesday na pagsisimula ng panahon ng kuwaresma.

Ayon kay MPD Director C/ Supt. Joel Coronel – partikular nilang babantayan ang mga simbahan na tiyak umanong dadagsain para sa misa at recollections sa February 14.


Magpapakalat din sila ng 1, 200 pulis sa Binondo hanggang Divisoria para naman sa pagsisimula ng mga aktibidad sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Magde-deploy din ang MPD ng mga K-9 units at operatiba ng Explosive Ordinance Division sa paligid ng China town.

Tututukan din ng mga pulis ang Lucky China Town Mall kung saan magkakaroon ng fireworks display sa hatinggabi ng February 16. <#m_-748830012202778685_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments