Naibaba na ng National Food Authority (NFA) ang mga sako-sakong bigas na naipit sa mga pantalan para sa agarang pagpapakalat nito sa mga lugar na daraanan ni bagyong Ompong.
Abot sa 380,000 na sako ng bigas ang naibaba na sa mga pantalan ng Manila, Subic, La Union, Legazpi at Batangas.
Ilang linggo na rin na hindi na unload ang mga imported na bigas dahil sa masamang lagay na panahon.
Sinamantala ng mga field workers ng NFA ang magandang panahon para mailagay na sa mga bodega ang mga inangkat na bigas bago pa tuluyang manalasa si Ompong.
Dahil dito, nasa isang milyong sako na ng bigas ang istratehikong nang naka imbak sa ibat-ibang warehouses sa Luzon kabilang na ang NCR, para sa distribusyon nito sa mga accredited retailers at sa mga relief operations sa panahon ng kalamidad.