Ayuda na naipamahagi sa mga taga Metro Manila umabot, na sa 10.7 bilyong piso ayon sa DILG

Pumalo na sa 10.7 bilyong piso ang naipamahaging ayuda sa Metro Manila hanggang Agosto 31, 2021.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo M. Año, mula sa nabanggit na halaga 10,663,537 ang benipersaryo na nakatanggap ng ayuda mula nang isailalim sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Pinuri ng kalihim ang mga Local Government Units (LGUs) dahil sa mabilis na pamamahagi ng ayuda.


Kasunod nito, maaari na aniyang iproseso ng mga ito ang mga reklamo ng mga benipersaryo sa grievance and appeal committee para maipamahagi na ang mga unclaimed na ayuda hanggang sa Setyembre 10.

Matapos kasi ang Setyembre 10, ibabalik na sa National Treasury ang pondo na hindi nagamit.

Kabilang sa mga siyudad na nakakumpleto na ng kanilang pamamahagi ay ang Quezon City, Manila Caloocan, Pasig, Malabon at Navotas.

Nasa 90 hanggang 99 percent ang pamamahagi ng ayuda sa San Juan, Pateros, Las Piñas, Mandaluyong at Pasay City.

Nauna nang naglabas ng 11.2 bilyong piso ang national government para sa pamamahagi ng ayuda sa National Capital Region (NCR) makaraang isailalim ito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments