Manila, Philippines – Hindi nagbibigay ng Financial Assistance ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) partikular sa mga local officials para itulong sa kanilang mga nasasakupan o constituent tuwing may kalamidad.
Ito ang nilinaw ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan matapos ang panawagan ni Albay Governor Al Francis Bichara na direkta ng ibigay sa kanila ang halagang para sa pagkain at supply ng mga pamilyang apektdo ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay at sila na ang bibili at mamamahagi nito.
Paliwanag ni Marasigan, wala aniyang protocol na sinusunod ang NDRRMC na sinasabing dapat ay pera ang ibibigay sa Local Government Unit para tulong sa mga naapektuhang pamilya.
Sinabi ni Marasigan na pagbibigay ng food at non-food items, gamot at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad ang ibinibigay ng pamahalaan sa kasalukuyan.