Walang humpay ang pagtugon ng Bangsamoro Government sa pangangailangan ng kanilang constituents sa gitna ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo na s’ya ring namumuno sa Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (BARMM-READI), nakatoka sa kanila ang 63 mga barangay sa North Cotabato na ngayon ay sakop na ng BARMM.
Nakatoka naman sa Bangsamoro Ministry of Social Services and Development (MSSD)-BARMM ang mga sektor sa rehiyon na tinukoy na prayuridad tulad ng senior citizens, single parents at informal sector.
Sinabi pa ni Atty. Sinarimbo na ang tutok naman ng relief distribution ng Office of the Chief Minister ay yaong mg hindi naka-cover ng MSSD at BARMM-READI.
Halos tapos na rin anya ang relief distribution nila kayat ngayong linggo ay inaasahan naman na magkakaroon ng convergence ang BARMM-READI, MSSD-BARMM at Office of the Chief Minister upang ma-cover na ang buong BARMM.
BARMM Govt. Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>