Mga nagpositibo sa COVID- 19 sa Region 12 nasa maayos ng sitwasyon!

As of 5:00pm kahapon, Linggo, April 12, mayroon nang 16 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa region 12.
Ayon kay Arjohn Gangoso, Health Education and Promotion Officer ng Department of Healt-12, sa naturang bilang ng COVID-19 cases sa rehiyon ay isa ang nasawi.
Abot naman sa 39 ang Persons Under Investigation o PUI ang admitted, 53 ang nakalabas na ng pagamutan subalit naka-home quarantine, 100 ang reported na mild PUIs na naka-home quarantine, 67 ang naka-kumpleto na ng home quarantine.
Sinabi pa ni Gangoso na abot naman sa 262 ang Persons Under monitoring o PUM na sumasailalim sa home quarantine.
Inihayag pa ni Gangoso na ang 15 na nagpositibo sa COVID-19 ay muling sumailalim sa tinatawag na repeat testing pagkatapos ng 14 na araw na gamutan, apat sa 15 ang nagnegatibo na naturang sakit.
Dalawa sa apat na gumaling mula sa nakamamatay na sakit ay mula dito sa Cotabato City, isa mula sa lalawigan ng North Cotabato at isa din mula sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Samantala, hinihintay pa ang resulta ng repeat testing ng 11 pang COVID-19 patients.
DOH PIC

Facebook Comments