Ayuda ng DOLE sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya, aarangkada na sa November 20

195

Kinumpirma ng Labor Department na sisimulan na nila sa November 20, 2020 ang pamamahagi ng ayuda sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), patuloy rin ang pagsasagawa ng evaluation ng kanilang regional offices.


Pinapayuhan naman ng Labor Department ang mga manggagawang nakapagrehistro na online na ingatan ang kanilang numero.

Nilinaw naman ng DOLE na unang bugso pa lamang ang pamamahagi ng ayuda sa November 20 at magkakaroon pa ito ng mga susunod na batch.

Ayon sa DOLE, ₱150 million ang kanilang inilaan para rito.

Facebook Comments