President Donald Trump, dinadaya umano sa US Presidential Election

256

Muling iginiit ni US President Donald Trump na may hindi kilalang kalaban ang gumagamit ng pandaraya para hindi siya muling manalo sa pagka-Presidente.

Sa naging pahayag ni Trump, may ilang indibidwal ang gumagawa ng paraan para mapalitan siya sa pwesto kung saan kumpiyansa siya na panalo sa ilang lugar sa Amerika pero nagtataka siya dahil ang kalabang si Joe Biden ang idinedeklarang nanalo.


Sinabi pa ni Trump na nagkakaroon din ng korapsyon sa kasalukuyang mail-in voting system at naniniwala siya na may ilang kalokohan ang nangyayari rito.

Depensa naman ng kampo ni Biden,walang basehan at walang katotohanan ang mga haka-haka ni Trump at wala rin silang nakikitang problema kung nais nito na magkaroon ng voting recount.

Facebook Comments