MANILA – Sinigurado ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda ang pamahalaan na tumulong sa mga Bicolano, na pangunahing sinalantan ng bagyong Nina.Sa kanyang talumpati sa Camarines Sur provincial capitol sa bayan ng Pili, sinabi ng pangulo na magbibigay siya ng tulong at suporta sa libu-libong naapektuhan sa pagtama ng bagyo.Ipinangako rin ni Pangulong Duterte ang P50 million mula sa Dept. of Agriculture bilang tulong sa mga magsasaka na nasalanta ng bagyo.Pero nilinaw ni Pangulong Duterte na ayaw niyang siya mismo ang mag-aabot ng tulong sa mga binagyo, dahil ayaw niya ng drama.Sa latest report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Camarines Sur, pumalo na sa mahigit P642 million ang pinsalang naitala sa palay.Habang umabot naman sa P8 million ang nasira sa mga palaisdaan at umabot naman sa halos P362 million napinsala sa mais at p27 million naman sa high value crops.Samantala, namahagi rin ang pangulo ng 200 na mga food packs mula sa mga ilang mga residente sa bayan ng Pili.
Ayuda Para Sa Mga Biktima Ng Bagyong Nina Sa Bicol, Inihahanda Ni Pangulong Duterte
Facebook Comments