Ayuda para sa mga biktima ng malakas na lindol sa North Cotabato, tiniyak ng DSWD

Tuloy ang pagbibigay ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa North Cotabato.

Base sa report ng DSWD, May ilang residente pa rin ang hindi pa bumabalik sa kanilang mga bahay at mas pinili na manatili sa evacuation centers dahil sa takot sa mga aftershocks.

Ayon kay DSWD Director Cezario Joel Espejo, mahigit 2,200 pamilya sa 25 barangay ng Makilala ang naapektuhan ng lindol.


Nasa 637 ang damaged houses at 153 sa kabuuang bilang ay totally destroyed habang 374 naman sa bayan ng Tulunan.

Pagtiyak pa ng DSWD na may sapat pang relief supply ang ahensiya para ipamahagi sa mga biktima ng lindol kung kinakailangan.

Facebook Comments