Kinakalampag ngayon ng mga construction worker na residente ng Sitio Halang, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil hanggang ngayon at hindi pa rin naibibigay ang ayuda na ipinadadaan sa pamamagitan ng Palawan Express.
Ayon kay Rolando Flores, isang construction worker, hindi pa rin naibibigay ang ayuda na ₱6,500 mula Special Amelioration Program (SAP) ng DSWD.
Paliwanag ni Flores, dapat bago magkatapusan ng Hulyo ay ibibigay na sa kanila ang ayuda mula sa DSWD pero malapit na ang katapusan ay hindi pa rin nila natatanggap ang ayuda.
Umaasa ang mga construction worker na ngayong linggo ay maibibigay na ang ayuda dahil ito lamang umano ang kanilang inaasahan para pangtustos sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.
Nakiusap rin sila kay Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na tulungan sila at mabigyan ng pansamantalang trabaho para makapag-survive sa pang araw-araw nilang pamumuhay.