Ayuda para sa mga estudyante sa pampublikong paaralan sa Pasig City, nagsimula na ngayong araw

Umaarangkada na ang pamamahagi ng ayuda Pamahalaang Lokal ng lungsod ng Pasig para sa mga estudyante nitong mahihirap.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto makakatanggap ng ₱400 na halaga ng food vouchers ang bawat beneficiary na magaaral.

Layunin, aniya, ito na maiwasan ang malnutrisyon, lalo na sa panahon ngayon na may krisis.


Kaya naman paalala niya sa mga magaaral na kukuha ng food coupon na huwag kalimutang dalhin ang school ID, dahil tanging ang may dalang valid school ID lang ang mabibigyan ng food coupons.

Pero aniya, kung sakaling wala ang school ID, may nakatalagang lamesa para sa kanila, kung saan ibibigay nilang ang dokumento tulad ng birth certificate o library card o certification ng principal.

Subalit, anya, hindi sila agad mabibigyan ng food coupon dahil kailangan pa itong i-verify.

Para, aniya, malaman ang schedule ng pamamahagi ng food coupons, maaari lamang bisitahin ang official Facebook account ng Pasig City Government.

Samantala, ang nasabing lungsod ay meron ng 205 confirmed cases ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19, kung saan 37 na ang nasawi na dulot ng virus at 45 pasyente naman ang gumaling na, batay sa pinakabagong tala nga City Health Office nito.

Facebook Comments