Ayuda para sa mga Lubhang Tinamaan ng Pagbaha, Ipinamahagi

Cauayan City, Isabela- Naipamahagi na ng DSWD FO2 ang pinansyal na tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na nagkakahalaga ng tig tatlong-libong piso (Php3,000).

Ilan sa mga nabigyang residente ay mula sa bayan ng Gattaran, Allacapan at Camalaniugan sa lalawigan ng Cagayan.

Ang nasabing ayuda ay sadyang inilaan para sa mga pamilyang mahihirap na higit na naapektuhan ng pagbaha bunsod ng bagyong Ulysses.


Ipinapaalala naman ng nasabing ahensya na ang mga napapabilang sa programang ito ay mula sa talaan ng mga mahihirap na pamilya na isinumite at pinagtibay ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments