Nakikipag-ugnayan na ang Department of Energy (DOE) sa Department of Transportation (DOTr) para sa pagbibigay ng ayuda sa mga public utility vehicle operators at truckers na apektado ng sunod-sunod na oil price hike.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, sa oras na makapagbigay na sila ng ayuda sa mga tsuper at operator, may posibilidad na hindi na humiling ang mga ito ng taas-pasahe.
Dagdag pa ni Cusi, maliban sa mga tsuper, malaki rin ang epekto ng oil price hike sa presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sapul rin nito ang transport cost ng mga truckers.
Samantala, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-aaralan na ng Palasyo ng Malacañang ang pagsuspinde sa oil excise tax at pagbibigay ng fuel subsidies sa mga apektadong sektor.
Ito ay sa kabila ng pahayag ng Department of Finance (DOF) na P131.4 billion ang maaaring mawala sa kita ng bansa sakaling suspindehin ang oil excise tax.