DOLE at ilang opisyal ng Kingdom of Saudi Arabia, nakatakdang magpulong tungkol sa bantang total deployment ban

80

Nakatakdang makipagpulong si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga opisyal ng Kingdom of Saudi Arabia para pag-usapan ang bantang total deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kasunod ito ng ulat na may ilang Pilipino ang hindi pinayagang makabalik ng bansa ng isang abusadong employer.

Ayon kay Bello, mismong ang counterpart niya sa Saudi Arabia ang nagpatawag ng pulong na posibleng ganapin bago ang Asia at Middle East Labor Ministers Meeting sa Dubai.


Maliban sa tatlong OFWs, nasa higit 9,000 manggagawa pa sa nasabing bansa ang hindi pa natatanggap ang kanilang sweldo at end-of-services pay mula sa kanilang employer.

Facebook Comments