Marikina City – Sinimulan nang ipamahagi sa Malanday Elementary school ang isang truck ng relief goods mula sa DSWD.
Pinangunahan ang pamamahagi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro katuwang ang mga kawani ng DSWD, PNP at LGU.
Sa ngayon nasa 5,500 individuals ang sumisilong pansamantala sa Malanday Elementary school hanggat nakararanas parin ng pag-ulan sa Metro Manila dulot ng habagat.
Laman ng relief packs ang 6 na kilo ng bigas 4 na pirasong delata ng corned beef at sardinas at 6 na sachet ng 3in1 coffee.
Ang Malanday Elementary school ang may pinakamaraming evacuees sa buong lungsod ng Marikina.
Karamihan sa mga andito ay magmula pa noong Sabado matapos bahain ang kanilang lugar pero may ilan na rin Marikeño ang piniling umuwi na lamang upang linisin o limasin ang baha sa kanilang mga tahanan at nangakong babalik kapag muling tumaas ang baha sa kanilang lugar.