Ayuda sa abono ng mga magsasaka sa Antipolo City, sisimulan ngayong Agosto.

Naniniwala ang pamunuan ng Antipolo City government na mahalaga na mapababa ang presyo ng bigas kaya’t gumagawa na ng hakbang ang pamahalaang lungsod ng Antipolo sa Rizal Province.

Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, gagawin nilang partially subsidized ang fertilizers ng mga magsasaka sa halagang ₱6,600 kada ektarya.

Kaugnay nito, sinabi ni Ynares na para maging mas masagana ang pag-aani ng mga mamamayan ng Antipolo, mayroon silang Masagana 150 rice program na naglalayong makabuo ng 7.5 metriko tonelada ng bigas kada ektarya, upang makatulong na mapababa ang halaga ng produksyon ng bigas sa lungsod.


Paliwanag ng alkalde na sa ngayon, 254 na mga magsasaka at kabuuang 316 hektarya na ang nagpa-rehistro para sa programang ito.

Inanyayahan ang mga interesado na maaaring makipag-ugnayan sa Office of the City Agriculture sa numerong 8-689-4579 o sa kanilang Facebook page.

Facebook Comments