OVP, nais na kumuha ng mas maraming bus at magbukas ng ruta para sa “Libreng Sakay” program

87

Nais ng Office of the Vice President (OVP) na kumuha ng karagdagang bus at magbukas ng mas maraming ruta para sa “Libreng Sakay” program.

Ayon kay OVP Spokesperson Atty. Reynold Munsayac, naghahanap na ang kanilang opisina ng mga partner mula sa pribadong sektor para sa pagpapalawig ng nasabing programa.

Aniya, layunin din nila na makahanap ng private partners na magpapahiram ng bus kung saan sagot ng opisina ang gas, sweldo ng mga drayber gayundin ang repair at maintenance.


Dagdag pa ni Munsayac, target ng OVP na magdagdag ng bus sa ruta na Commonwealth at Fairview sa Quezon City papunta ng Quiapo, Maynila.

Una nang tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na sapat ang mga pampublikong sasakyan para pagbubukas ng klase sa August 22.

Facebook Comments