Ayuda sa Metro Manila, ipamamahagi na sa Miyerkules

Sabay-sabay na sisimulan ng lahat ng lungsod sa Metro Manila ang pamamahagi ng ayuda sa Miyerkules, August 11.

Ayon kay Metro Manila Council head at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, benepisyaryo nito ang mga nakatanggap din ng ayuda sa una at ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Maaari namang magsumite ng aplikasyon sa grievance committee station ng kada barangay ang mga residenteng kwalipikado ngunit hindi kasama sa listahan.


Nasa 10.7 milyong residente sa National Capital Region (NCR) ang makatatanggap ng P1,000 cash aid o hanggang P4,000 kada pamilya na apektado ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments