Ayuda sa rice retailers, target simulang ipamahagi ngayong linggo

Sisikapin ng mga kaukulang mga ahensya ng gobyerno na mapabilis ang verification at validation ng listahan ng mga rice retailer na naapektuhan ng ipinatupad na price ceiling.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Agaton Uvero na target masimulan ang pamimigay ng ayuda bago matapos ang linggong ito.

Aniya pa, ang makatatanggap ng tulong-pinansyal ay ang mga nalugi matapos magbaba ng presyo ng itinitindang bigas na nabili nila ng mahal.


Una nang sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pagkakalooban ng maximum na P15,000 cash aid na one-time ibibigay, ang small rice retailers na maaapektuhan ng price cap.

Tantya ng DTI na nasa 25,000 rice retailers ang makatatanggap ng tulong-pinansyal.

Plano naman ng DSWD na maglagay ng staging centers para sa distribusyon ng ayuda.

Facebook Comments