PNP, mahigpit na mino-monitor ang lokasyon ni Teves

Mino-monitor ng Philippine National Police (PNP) ang lokasyon ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., na pinaaresto ng korte dahil sa kasong murder.

Ayon kay PNP Chief PBGen. Benjamin Acorda Jr., sa sandaling makabalik ng bansa si Teves ay agad nilang ipatutupad ang warrant of arrest laban dito at iba pang sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.

Sinabi ni Acorda na dahil nasa ibang bansa ito at nagtatago, pagmo-monitor at pakikipag-ugnayan lamang sa kanilang counter parts ang magagawa ng PNP.


Una nang sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na posibleng nasa southeast asian countries lamang nagtatago si Teves tulad ng Timor Leste, Cambodia at Thailand.

Facebook Comments