AYUSIN | LTFRB, hiniling na ipa-regulate ang GRAB at disiplinahin ang mga drivers nito

Manila, Philippines – Pinare-regulate ni Kabayan Rep. Ciriaco Calalang sa LTFRB ang GRAB para mapigilan ang monopolya at pang-aabuso nito sa mga pasahero.

Ayon kay Calalang, dapat na obligahin ng LTFRB ang GRAB na magsagawa ng self-regulation at magpatupad ng disiplina sa mga drivers nito.

Hindi na kasi nalalayo ang kalakaran ng GRAB sa mga taxi na namimili ng pasahero at tina-timing pa na sobra ang taas sa singil ng pamasahe.


Hindi na aniya dapat hintayin ng GRAB na ulanin sila ng reklamo bago kumilos para ayusin ang kanilang serbisyo.

Pinakikilos din ang LTFRB na magsagawa ng moto propio investigation hinggil sa marami pang reklamo sa GRAB.

Facebook Comments