Manila, Philippines – Binibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakataon ang National Food Authority (NFA) na ayusin at pagbutihin ang sitwasyon ng supply at presyo ng bigas sa bansa.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, umaasa ang Pangulong Duterte mapalakas ng NFA ang stock ng bigas sa bansa.
Aniya, nag-aalala ang Pangulo sa kakulangan ng bigas at pagsipa ng preso nito sa Zamboanga City at iba pang kalapit na lugar.
Inatasan na ng Pangulo ang agriculture at trade authorities na resolbahin ang problema sa bigas doon.
Tiniyak din ng gobyerno na patuloy nitong hahabulin ang rice smugglers at hoarders sa bansa.
Facebook Comments