Azkals, panalo kontra Tajikistan sa nagpapatuloy na AFC Asian Cup qualifiers 2019

Manila, Philippines – Tinalo ng Philippine Azkals ang Tajikistan sa score na 4-3 sa nagpapatuloy na AFC Asian Cup qualifiers 2019 na ginanap sa Pamir Stadium, Dushanbe sa Tajikistan.

Unang nakapagtala ng goal para sa Azkals ay si Phil Younghusband kung saan matapos ang ilang minuto ay magkasunod naman na nakapagtala ng goal si Javier Patino hanggang makahabol ang tajikistan at naitabla ito sa 3-3.

Nakakita naman ng tsansa ang player ng azkals na si Sato Daisuke kaya naipasok niya ang goal hanggang maubos na ang oras.


Dahil sa panalo, nasa unang pwesto ngayon ang Pilipinas sa group kasunod ang Yemen, Nepal at Tajikistan.

Susunod na makakaharap ng Azkals ang yemen sa September 5 na gaganapin sa Panaad Park and stadium sa Bacolod City.

DZXL558

Facebook Comments