Mga manonood ng concert ni Britney Spears, pinapayuhang magtungo sa venue ng mas maaga

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng National Capital Police Region Office ang mga dadalo sa concert ni Britney Spears na magtungo ng mas maaga sa MOA Arena sa Pasay City bukas.

Ito ay dahil mas mahigpit na seguridad ang paiiralin ng pulisya sa venue.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, sa pila pa lamang sa labas ng MOA Arena ay mahigpit na pagkakapkap na ang gagawin ng mga otoridad.


Mahigpit ding ipagbabawal ang pagdadala ng backpack sa loob ng venue.

Ayon kay Albayalde, bago mag-alas sais ng gabi ay maaari nang magtungo sa MOA Arena.
DZXL558

Facebook Comments