Nananatiling dominant variant sa bansa ngayon ang BA.2.3 Omicron sub variant.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma na ito ay base sa mga samples na kanilang nasesequence.
Ayon kay Dr. Saloma mula Marso hanggang ngayong buwan ng Abril, 95% ng kanilang na sesequence sa Philippine Genome Center ay BA.2.3 Omicron sub variant.
Mayroon din aniya silang na-detect na Delta variant pero ito ay mangilan-ngilan na lamang o 4 na kaso partikular sa bahagi ng Southern Philippines.
Samantala, ang BA.2.12 Omicron sub variant na unang na nakita sa isang dayuhan na nagpunta sa bansa ay wala pa namang nade-detect na local cases.
Gayundin ang BA.2.12.1 na unang natuklasan sa Amerika ay wala pang nade-detect sa Pilipinas.