Camarines Norte Rep. Marisol Panotes, pumanaw na

83

Pumanaw na si Camarines Norte 2nd District Rep. Marisol Panotes sa edad na 76.

Sa social media post ng anak ng kongresista na si Rosemarie Panotes ay kinumpirma niya ang pagpanaw ng kanyang mahal na ina.

Madaling araw kanina nang pumanaw ang mambabatas.


Wala pang inilalabas na iba pang detalye ang mga kaanak ukol sa pagkamatay ng kongresista.

Kasalukuyang itong nasa 18th Congress, si Panotes ay nagsilbing Vice Chairperson ng House Committee on Disaster Resilience at Committee on Population and Family Relations, at miyembro ng hindi bababa sa walong komite sa Mababang Kapulungan.

Facebook Comments