Nananatiling dominant variant sa bansa ngayon ang BA.2 Omicron sub variant.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Vaccine Expert Panel Chairperson Dr. Nina Gloriani na ito ay base sa samples na nase-sequence at namo-monitor ng Philippine Genome Center.
Ayon kay Dr. Gloriani, umaasa silang hindi ito mauungusan ng BA.2.12.1 na una nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may local transmission.
Ang naturang sub variant kasi ng Omicron ay sinasabing mas nakahahawa kumpara sa orihinal na Omicron variant.
Sa datos pa ng DOH, 16 na ang local cases ng BA.2.12.1 kung saan 11 ang na-detect sa Puerto Princesa City, Palawan, dalawa sa Metro Manila at tatlo sa Western Visayas.
Facebook Comments