Pangulong Duterte, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng presidente ng UAE

329

Nakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno at mamamayan ng United Arab Emirates.

Ito ay kasunod nang pagpanaw ng kanilang presidente na si His Highness Sheikh Khalifa Bin Zayed al Nahyan.

Ipinaabot ni Pangulong Duterte ang pakikisa sa pakikiramay ng buong sambayanang Pilipino sa UAE sa panahong ito ng kanilang pagdadalamhati.


Ayon sa pangulo, hindi makalilimutan ang mga alaala ni President Sheikh khalifa dahil sa kaniyang pamana ng pagiging matatag na lider sa kanyang taglay na talino at kabutihang loob.

Samantala ang pakikiramay at simpatiya ng pangulo ay personal na ipinaabot ng kaniyang special envoy na si Secretary Robert Borje sa United Arab Emirates.

Facebook Comments