BA.2 Omicron subvariant, mas nakakahawa kumpara sa orihinal na Omicron COVID-19 variant ayon sa isang pag-aaral sa Denmark

Mas nakakahawa ang BA.2 subvariant o yung Stealth Omicron kumpara sa orihinal na Omicron COVID-19 variant.

Ito ang lumabas sa isang pag-aaral sa bansang Denmark kung saan mas nakakahawa rin ito kahit na bakunado na ang isang indibdiwal kontra COVID-19.

Isinagwa ang pag-aaral noong Disyembre hanggang nitong Enero sa 8,500 indibdiwal kung saan 33% na mas mataas ang tyansang makahawa ang positibo sa BA.2 variant kumpara sa tinamaan ng BA.1.


Ibig sabihin, kapag na-expose ka sa isang Omicron BA.2 ay nasa 39% ang tyansang mahawa ka sa loob ng 7 araw habang 29% naman sa BA.1.

Nasa higit 98% nang mga kaso ng Omicron sa buong mundo ang BA.1 subvariant pero BA.2 na sa ngayon ang dominant strain sa nasabing bansa makalipas lamang ang ilang linggo.

Facebook Comments