BA.5, “most predominant” Omicron subvariant sa bansa ayon sa PCG

Inahayag ng Philippine Genome Center (PCG) na BA.5 ang lumabas na “most predominant” o pinakamaraming Omicron subvariant sa mga sequenced samples na kanilang sinusuri.

Ayon kay PCG Executive Director Dr. Cynthia Saloma, na wala pang naitatalang variant ng BA.2.75 sa bansa pero umabot na sa 85% ang mga nagpopositibo sa BA.5 variant.

Dagdag pa ni Paloma na sa kanilang tanggapan sa Diliman sa Quezon City ay nasa 750 na samples ng umano’y COVID-19 cases kada linggo ang sumasailalim sa sequencing, habang 300 kada linggo sa Visayas, at 100 naman kada linggo sa Mindanao, na katumbas ng 1,200 na samples sa kabuuan.


Samantala, sinabi naman ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na walang dapat ikabahala ang publiko sa mga bagong subvariant dahil epektibo ang mga bakuna na ginagamit ng bansa kontra sa malubhang epekto ng COVID-19.

Facebook Comments