Bahagi ng kalsada na natabunan ng gumuhong lupa sa Eastern Samar, madadaanan na

85

Bukas na sa mga motorista ang isang bahagi ng Binaloan, Taft, Eastern Samar na natabunan ng gumuhong lupa.

Dahil sa naranasang sunod-sunod na mga pag-ulan, lumambot ang lupa at dumausdos hanggang sa matabunan ang ilang metro ng highway na sakop ng Wright- Taft- Borongan Road.

Sa ipinalabas na travel advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH), one – lane passable na sa lahat ng uri ng sasakyan ang Wright-Taft-Borongan Road sa Eastern Samar.


Sa kabila nito, patuloy na pinapayuhan ang mga motorista na maging alerto at maging maingat sa biyahe lalo na kung masama ang panahon.

Facebook Comments