BA-BYAHE NA | Biyahe ng PNR mula Caloocan to Makati, bubuksan ulit bukas

Manila, Philippines – Bubuksan ulit ang linya ng Philippine National Railways (PNR) mula Caloocan patungong dela Rosa, Makati.

Ayon sa Department of Transportation, bukas ang soft opening ng biyahe ng tren sa nasabing ruta na may minimum fare na P15.

Kabilang sa mga hihintuang istasyon ang 10th avenue, 5th Avenue, Solis, Blumentritt, España, Sta. Mesa at dela Rosa.


Tinatayang aabot lang sa 37 minuto ang biyahe mula Caloocan hanggang Makati.

Matatandaang 20 taon na ang nakalilipas nang huling mag-operate ang naturang linya ng PNR.

Facebook Comments