Babae, arestado dahil sa kasong estafa

109

Kalibo, Aklan — Arestado ng mga otoridad ang isang 41-anyos na babaeng may kasong 2 counts ng estafa kahapon sa J. Magno St., Kalibo, Aklan.
Kinilala ang suspek na si Marijoe Dela Cruz at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si Dela Cruz ng mga taga Criminal Investigation Detection Group (CIDG Aklan) at Kalibo PNP sa bisa ng Warrant of Arrest na Criminal Case No. 15462 at 15463 na inisyu nina Hon. Jemena Abellar-Arbis, Presiding Judge ng RTC, Branch 6, Kalibo Aklan at Hon. Joebil Del Moro, Presiding Judge RTC, Branch 2, Kalibo, Aklan nga may petsang July 24, 2020.
Php 20,000 ang piyansa na itinakda ng korte para sa criminal case number 15462 at Php 72,000 naman para sa criminal case number 15463.
Sa ngayon ay nai-turn over na sa korte ang nasabing akusado.

Facebook Comments