Bilang ng OFWs na napauwi ng DOLE, 106,200 na

Umabot na sa 106,200 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa harap ng Coronavirus pandemic.

Ang naturang repatriates ay napauwi na rin sa kanilang mga lalawigan partikular ang mga nagnegatibo sa COVID-19 test.

Ilan sa kanila ay isinakay sa barko patungo ng Visayas at Mindanao.


Tiniyak naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan para matulungan ang mga OFWs na nawalan ng trabaho.

Facebook Comments