Babae, arestado matapos mangamoy marijuana ang perang binayad pang-piyansa

LOUISIANA, United States — Kulong sa kasong may kinalaman sa droga ang isang babae matapos matiyak ng pulisya na amoy marijuana ang $5,000 na ibinayad niya pang-piyansa sa kakilalang preso.

Agad inimbestigahan ng awtoridad si Stormy Lynn Parfait, 33, makaraang magtungo siya sa kulungan sa Ashland noong Biyernes, para sa isang presong nakakulong dahil din sa droga, ayon sa Terrebonne Parish Sheriff’s Office.

Nang mapansin ang amoy sa pera, hinalughog ng pulisya ang sasakyan ng babae kung saan nadiskubre ang $40,000 pang cash at 100 Klonopin pills.


Nasamsam naman sa bahay ni Parfait, kung saan may naiwang apat na bata, ang marijuana, cocaine at iba pang paraphernalia.

Kinasuhan si Parfait ng “multiple counts of possession with intent to distribute drugs, four counts of illegal use of a controlled drug in the presence of persons under 17, taking contraband to or into a correctional institution” at iba pang kasong may kaugnayan, ayon sa awtoridad, batay sa mga ulat.

Facebook Comments