Para kay Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senator Risa Hontiveros, mga babae at bayanihan ang dapat maghari para tunay na makabangon ang pamilyang Pilipino.
Kaugnay sa selebrasyon ng International Women’s Day ay sinabi ni Hontiveros na dahil sa pandemya at iba pang pagsubok ay patong-patong na ang bigat na dala ng ating mga babae tulad ng mga nanay, nars, guro, domestic worker, at marami pang iba.
Diin ni Hontiveros, kung mapalakas natin ang benepisyo at suporta sa bawat isa sa kanila, ay mas agarang makakabangon ang buong mundo mula sa pandemya.
Punto ni Hontiveros, karamihan din kasi ating health workers ay babae, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Kaya naman tiwala si Hontiveros na ang krisis pangkalusugan at ekonomiya ay mas masosolusyunan kung gawin nating prayoridad ang ating kababaihan.