Nauwi sa labis na pangangayayat ang isang 20-anyos na babae mula Dundee, Scotland mula raw nang magkaroon siya ng severe depression.
Dahil sa sitwasyon, dalawang garapon ng baby food na lang ang kaya niyang kainin at mga damit pambata na lang ang pwede niyang suutin.
Ayon kay Natasha Ross, hanggang ngayon ay naluluha pa rin siya sa tuwing pinagmamasdan ang larawan kung saan lumalaban siya sa matinding karamdaman.
Nasuriang mayroong severe depression si Natasha na nagsimula raw noong makaranas siya ng pang-aabuso mula sa kaanak noong 4-anyos pa lamang siya.
Makalipas ang ilang taon, nabiktima naman ng rape si Natasha na mas nagpalala umano ng kanyang kalagayan.
Dahil sa matinding depresyon, bumaba ang kanyang timbang sa 5st 3lbs.
Kwento niya, “My family were begging me to eat but there was a mental block. I couldn’t do it. I was surviving on two jars of baby food a day when I could.”
Marami raw ang nagsasabing mayroon siyang sakit na anorexia dahil sa kanyang itsura.
“I was diagnosed with severe depression. I lost more than two stone in three weeks because I couldn’t eat. My hair and teeth fell out, my skin was all blotchy, the muscles and ligaments in my legs broke away. I was in severe pain, the most simple of things like bending I couldn’t do,” dagdag niya.
Mga damit pambata na rin daw ang kanyang sinusuot at labis daw ang sakit sa tuwing may humahawak o tumatapik sa kanya.
Sa ngayon ay ibinabahagi ni Natasha ang kanyang testimonya para umano sa mga taong nakakaranas din ng matinding depresyon.
“By telling them what happened, it perhaps gave them a better understanding of the way I’d behaved,” sabi niya.
Giit niya, “By speaking out, I hope people can read this and hopefully have the confidence to speak to someone. People go through such horrendous ordeals and don’t think there’s an outlet to share their grief.”
Sa ngayon ay ibinabahagi na rin nya sa social media ang kanyang karanasan kung saan marami na rin ang humihingi sa kanya ng payo.
Ang nangyari sa kanya ilang taon na ang nakararaan ay nagsisilbi umanong motibasyon ngayon para tulungan niya ang mga taong pinahihirapan ng depresyon.