Babae, binuhusan ng isang timbang tae ng palaboy

5014

Pinaliguan ng isang timbang dumi ng isang palaboy ang babaeng dumaan lang malapit sa Hollywood Walk of Fame sa Los Angeles noong Abril.

Pauwi na sana ang biktimang si Van Tassel galing sa isang Thai restaurant malapit sa sikat na tourist spot nang umatake ang suspek na si Jere Blessings.


Pahayag ng biktima sa NBC4 nakaraang linggo, hinila siya ng palaboy palabas ng kotse at dinala sa gitna ng daan kung saan siya nito binuhusan ng “mainit” na tae sa ulo.

“It was diarrhea. Hot liquid. I was soaked, and it was coming off my eyelashes and into my eyes,” saad ni Tassel.

Isinugod ang biktima sa Hollywood Presbyterian Hospital kung saan sinuri siya sa mga maaaring mahawang sakit.

Pinaniniwalaan ng paramedics na inipon nang isang buwan ang ibinuhos na tae ng palaboy base sa dami nito.

Nakararanas umano ng post-traumatic stress disorder (PTSD) ang biktima dahil sa insidente.

Samantala, lumabas na mayroong problema sa pag-iisip si Blessings na inaresto sa kasong pananakit.

Ipinadala ang palaboy sa pasilidad para sa mga may problema sa pag-iisip, ngunit pinalabas din noong Agosto.

Ikinababahala ni Tassel na baka mayroon pang ibang mabiktima si Blessings o baka mas malala pa ang magawa nito sa susunod.

Facebook Comments

From Advertisers