Nanay na weight-conscious, patay dahil sa malnutrisyon

404

Nasawi ang isang 48-anyos na ginang mula West Yorkshire dahil sa chronic malnutrition matapos ang labis na kapabayaan sa sarili, nito lamang ika-2 ng Nobyembre.


Una nang naiulat na bumagsak sa kanilang bahay si Michelle Dunn, 48, na agad namang naisugod sa ospital.

Dito nasuri ng doktor ang malalang sakit ng ginang.

Nakita na mayroong sepsis at upper gastrointestal bleed si Dunn na maaari umanong magdulot ng pagkawala ng maraming dugo sa loob lamang ng maikling panahon.

Ayon sa ulat, naisugod na sa ospital si Dunn noong Hulyo dahil sa malnutrisyon kung saan lumala ang kanyang kalagayan dahil hindi na rin siya makapaglakad.

Batay rin sa kwento ng kanyang pamilya, maselan raw pagdating sa pagkain si Dunn, na maaaring nakalala umano ng kanyang karamdaman.

Masyado rin daw nag-aalala ang ginang pagdating sa kanyang timbang.




Facebook Comments