Babae, dinilaan ang inidoro bilang isa umanong ‘coronavirus challenge’

MIAMI, Florida – Binatikos sa social media ang isang influencer dahil sa ipinalabas nitong hindi kaaya-ayang video habang dinidilaan ang upuan ng inidoro bilang isa umanong ‘coronavirus challenge’.

Nakatanaggap ng samu’t saring pamumuna si Ava Louise,22, dahil sa TikTok video niya sa kabila ng coronavirus pandemic na nagdulot na ng 68 bilang ng mga namatay at hindi bababa sa 3,700 nagpositibo sa United States (US).

Sa video na tumagal ng anim na segundo, makikita umanong dinilaan ni Louise ang inidoro habang nasa loob ng eroplano.


Sinabi pa raw nito sa post, “Please [retweet] this so people can know how to properly be sanitary on the airplane.”

Agad na kumuha ng atensyon ang naturang video kung saan may mga nakapagsabing dapat daw arestuhin ang babae.

Para naman sa marami, hindi umano ito masasabing “coronavirus challenge” dahil lumalabas na wala namang ibang lalahok sa hamong ito.

Facebook Comments