Babae, hinarang sa airport matapos madiskubre sa bagahe ang mga buto ng mister

3676
pixabay

Hinarang ng awtoridad sa Munich airport ang isang 74-anyos na babaeng may dalang mga buto ng yumaong mister sa bagahe, ayon sa pulisya nitong Martes.


Batay sa ulat ng Deutsche Well, nagpatawag ng customs officers, doktor at tagausig, nang madiskubre ang mga labi sa isang wooden box na dala ng pasahero.

Matapos kuwestiyonin ang babae at kasama nitong 54-anyos na anak, napag-alamang galing ang dalawa sa Greece pauwing Armenia, sakay ng flight na dadaan muna sa Munich at Kyiv.

Sinabi ng ginang na ang mga buto ay sa asawa niyang pumanaw noong 2008 at inilibing sa kanilang bahay sa Thessaloniki, Greece.

Nagpasya raw silang mag-ina na dalhin ang mga labi sa huli nitong hantungan– sa Armenia na bansang kanilang sinilangan.

Tiniyak naman ng awtoridad kalaunan na hindi labag sa batas ang paglilipat ng mga labi ng tao, at pinayagan din ang mag-ina na tumuloy sa biyahe dala ang mga buto.

Facebook Comments