Negosyante, Patay sa Pamamaril

27

Cauayan City, Isabela- Dead on arrival sa pagamutan ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin sa Brgy. Minanga, Naguilian, Isabela.


Kinilala ang biktima na si Severino Bayubay, 44 anyos, may asawa at residente ng Sitio 12, Villa Luna, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, bumabaybay sa lansangan patungong Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela ang biktima lulan ang minamanehong motorsiklo at nang makarating sa makipot na tulay na kumokonekta sa Brgy. Minanga at Brgy. San Luis ay bigla na lamang pinagbabaril ng maraming beses ng hindi pa matukoy na suspek.

Dinala sa pagamutan ang biktima subalit binawian na ito ng buhay.

Kasalukuyan pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng salarin sa nangyaring krimen.

Facebook Comments