Babae, hinimatay sa loob ng disinfection tent sa entrance ng Pasay City Hall

Isang babae ang bigla na lamang na hinimatay nang pumasok sa disinfection tent sa main entrance ng Pasay City Hall.

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang bumulagta ang babae sa loob ng disinfection tent at agad naman siyang isinugod ng Pasay rescue team.

Ang babae ay tinatayang nasa edad 20.


Nilinaw naman ng empleyado ng Pasay City Hall na si Frederick Velasco na hindi naman dahil sa disinfectant kung kaya’t hinimatay ang babae dahil gawa, aniya, sa herbal ang ginagamit nila sa misting bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Matapos ang insidente agad na nag-disinfect sa lugar ang mga tauhan ng city hall para makatiyak ang kalusugan ng mga taong papasok sa gusali.

Facebook Comments