Babae, huli matapos tangkaing nakawin ang mga grocery item sa Makati

22

Makati City – Kalaboso ang isang babae matapos tangkaing ipuslit ang isang shopping cart na puno ng grocery items sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Ana Miniz na nahaharap sa kasong theft.


Batay sa kuha ng CCTV sa isang supermarket sa Chino Roces Avenue, makikitang tulak-tulak ng suspek ang shopping cart na puno ng iba’t-ibang produkto.

Pero imbes na magbayad, humanap ng tiyempo ang suspek na malingat ang cashier at sinubukang pumuslit ang cart pero naharang siya ng mga guwardiya.

Nabatid na aabot sa halos P20,000 halaga ng mga imported na de lata, bigas, sabon at iba pang grocery items ang tinangkang nakawin ni Miniz.

Nabatid na nag-shoplift na rin pala noong isang taon ang suspek sa parehong supermarket.

Depensa naman ng suspek, mag-isa lang siyang bumubuhay sa anim niyang mga anak kaya nagawa ang pagnanakaw.

Facebook Comments

From Advertisers