3, arestado sa pagtutulak ng droga sa Maynila

109

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang vendor at isang kasamahan nila sa buy-bust operation sa Parola Compound sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Carlo at Jen habang nahuli rin ang isa pa nilang babaeng kasamahan.


Nakuhanan mula sa mga suspek ang 20 sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nakatanggap sila ng impormasyon na sangkot ang mga suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga kaya ikinasa ang operasyon.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments