Babae, kinagat ang ari ng nobyo matapos akusahang gustong makipagtalik sa ibang babae

799

FLORIDA, USA – Kinagat ng isang 33-anyos na babae ang ari ng kanyang nobyo saka tinakot ng kutsilyo matapos niya akusahang gusto nitong makipagtalik sa ibang babae.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Miami Beach, bandang alas 3:00 am, Miyerkules habang nag-iinuman si Esperanza Gomez at ng kanyang kasintahan.


Bigla umanong may lumapit na babaeng kaibigan para makisali sa inuman ng dalawa, ngunit makalipas ang ilang minuto ay umalis rin.

Maya-maya ay nagsimula na raw magalit si Gomez saka sinigaw-sigawan at tinutukan ng kutsilyo ang nobyo matapos itong akusahan na gustong makipag-sex sa naturang babae.

Batay sa report, matapos ang pagtatalo ng dalawa, kinagat ni Gomez ang ari ng nobyo dahil sa sobrang galit.

Agad namang inaresto si Gomez na humaharap sa kasong aggravated assault with a deadly weapon.

Facebook Comments

From Advertisers