Mag-ama, pinatay ng kapitbahay dahil sa Wi-Fi

4214

Arestado ang isang lalaki sa Pakistan matapos patayin ang kapitbahay na mag-amang nagnakaw umano ng Wi-Fi password.

Dinakip ng pulisya ang suspek na kinilalang si Qasim sa isang bahay sa Shah Latif, Karachi kahapon, Nob. 19, ayon sa Ary News.


Binaril ni Qasim ang biktimang sina Farooq at anak nitong si Haris, estudyante ng University of Karachi, na nakikigamit umano sa Wi-Fi ng suspek.

Ayon sa nakatatandang anak ni Farooq, pinagbabantaan na ng suspek ang kanyang tatay at kapatid bago mangyari ang insidente.

Umamin naman sa krimen ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers